PAPA.. PAPA RONI....

Posted: Saturday, April 7, 2012 by RoNRoNTuRoN in
6

Katatapos lang ng shift ko sa work. Dahil pagod sa work, dali dali kong kinuha ang bag ko sa department namin at dumeretso agad sa elevator. Another tiring yet fruitful day at work. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button going to basement. Nasa basement kasi ang locker rooms.

Hindi allowed umuwi or pumasok sa work namin ng naka uniform na. For hygienic purposes siguro. Tsaka manipis kasi yung tela ng scrub suits namin so pag umuwi ka ng naka scub suit, para mo na rin sinabing gusto mong mamatay sa ginaw. So everytime, before going home, nagpapalit ako ng damit sa male locker room. Duon ko palihim na sinusuot ang cup-D kong bra (so-en) at nagpapalit ng pasador. Charoth!

Pagpasok ko sa locker room, meron nang dalawang taong nagpapalit. Nandoon ang ka department kong si Martin (isang Swedish), at yung isa na hindi ko kakilala. Mejo maliit ang locker room at pinaghahatian na ni Martin at nung isa yung kaisa isang bench duon sa loob. So inilapag ko ang gamit ko satabi ni Martin at kinuha yung mga damit ko sa locker ko.

Pagbukas ko pa lang ng locker ko, napansin ko na na nakatingin sa akin yung isang lalaki sa locker room. Hindi ko siya kilala dahil taga 1st floor cya nag wowork at ako ay sa 3rd floor. Pero pamilyar yung mukha nya. Parang sa 1 taon kong pagttrabaho duon, mga 2x ko pa lang cya nakasalubong.

Bigla siyang nagsalita (in Norwegian):
"Dito ka oh! "(pertaining duon sa tabi nya) sabay turo duon sa konting space sa pagitan nila ni Martin. "Dito mo na lang ipatong yung mga damit mo". Nakita nya kasi na sa lapag ko inilagay mga damit ko from my locker.

"Hindi, ok lang, I'm fine here..." ang sagot ko.

So dineadma ko lang.

Hesitant ako magbihis nung una. Sa peripheral vision ko kasi, alam ko na hindi nya inaalis tingin sa akin. Pero ano gagawin ko duon? Kebs na. HInhubad ko na yung damit ko hanggang sa boxer briefs na lang ang suot ko. Sa puntong ito, alam ko pa rin na nakatingin sya sa akin. Na wiwirdohan ako pero kebs na lang. BInilisan ko na lang ang pagdadamit.  Nung malapit na akong matapos, nagpaalam na si Martin sa akin. Nagbabay din ako. Lalo akong kinabahan nung narealize ko na kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng locker room. Ito ang mga pumapasok sa isip ko:

Pag  ni-rape nya ako:
a. Sisigaw ako ng walang humpay
b. Sasaksakin ko cya gamit ang ballpen ko. Self defense ang sasabihin ko sa pulis.
c. Isprayan ko cya sa mukha ng air freshner na natatanaw ko duon sa locker room. Sinisipat ko talaga yun, promise.
d. Tatawagan ko si Daddy para matakot cya na me kausap ako sa phone at maririnig ang masama nyang balak.

Wow. Ang paranoid lang ni kuya RonRon. Nung tapos na siyang magbihis at ako ay patapos na rin, bigla siyang nagsalita.

"Taga Pilipinas ka?"

"Oo. Ikaw ba?"

"Hindi..."

Akala ko Pilipino si kuya. Ay hindi ko pa pala siya na dedescribe. Kasing height ko siya. mga 5'8 ganyan. Maitim. Hindi ko alam pero feeling ko mas malaki katawan nya sa akin. Balingkinitan kasi ako. BALINGKINITAN?! haha. Basta, mukha siyang Pinoy. Pero sa accent nya sa Norwegian, nahalata ko na hindi nga siya Pinoy. Actually, mukha siyang constru. Swear. Typical na look ng isang construction worker sa Pilipinas. Kaya lalo akong natakot sa kanya.

Dumaan siya sa likod ko habang inaayos ko ang belt ko, sabay sabi ng:

"... but I like Pinoy boys...." sabay tapik sa balikat ko.

Noon ako kinabahan ng husto. Muntik ko na talagang sinunggaban yung air freshner na sinisipat ko. Natakot ako at parang na comatose. Di ko alam ang isasagot ko. Di na lang ako nag react. Tapos noon, lumabas na siya ng locker room. Nakahinga ako ng maluwag. Ganoon pala ang feeling ng prospective rape victim. Char.

BUT WAIT, THERE'S MORE!

Pag akyat ko sa lobby, shet, nandoon siya. parang nag aantay. Dali dali akong naglakad at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hello! Katakot ka kaya kuya! So mabilis akong nglakad para mauna ako sa kanya at sabay lumabas na ako ng lobby palabas ng work. Pagkalabas ko, tinawagan ko agad si daddy Nox ko... Cyempre, pa tweetums muna ako sa kanya... tapos nung mejo nakalayo na ako sa work, kinwento ko sa kanya ang mga naganap. Tawa kami ng tawa ni daddy at sabi kami ng sabi ng: Yaaaaaak! kadiri si kuya!

Then after a while, nakita ko na naman si kuyang mukhang constru. Naglalakad at mukhang sinasabayan ako. At pota kasi, nakatitig cya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko at nagpaka busy sa pakikipag usap kay Nox. Tapos tumawid ako ng kalsada para makalayo ako sa kanya.

I arrived at the bus stop. 15 minutes pa ang dating ng next bus. Pag lingon ko duon sa kalapit na tram station, nandun yung constru turned "rapist" at nakatingin sa akin from afar. kausap ko pa rin si Nox ng mga panahong iyon. nag freak out na talaga ako that time at agad na pumasok ng grocery store. Sabi ko, pag ako sinundan pa rin nito sa loob ng grocery store, tatawag na ako ng pulis. Char! Pero freaky talaga. Nagtago muna ako sa grocery for a while. After ng mga ilang minuto, lumabas ako at luminga linga sa paligid. Thank God, wala na siya.

So ayun lang. Creepy ni kuya. STALKER ALERT. Pwede ko na siyang ipabilang sa creep 1 at creep 2 list ko. Ikaw ano ang near-rape experience mo?! Chos.

"I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me.... Papa... Papa Roni.... "

6 comments:

  1. Unknown says:

    Wooshing wooshing the breath of fresh air ang drama ng hair mo te, ang taas lang kasi..

    Anyways, ako mahilig sa constru, they are boar in bed. hahaha. kung maka ungol lang para naku sex like there is no tomorrow ang peg. but wag nmn sana yung constru mo, ung constru ko nlng kasi yummyness.

  1. sana itinawag mo agad sa bantay bata! LOL

  1. egG. says:

    nakakalokang experience ha..... sana me ganyan din ako.. pero gusto ko yung pogi chos!!!!! madaling araw pa naman ako kung umuwi minsan chos ulit.. :P

  1. Must be scarier granting that you're in a far far land.
    .
    .
    Just a thought. Would you have reacted differently if you happen to be unattached?

  1. @Desole BOy, uhmmmm, nope. Mukha lang akong maharot sa mga posts ko pero totoo nyan eh mahinhin talaga ako. Dalisay at mayumi. so ayaw ko ng hinaharass ako. at takot ako sa mga manyak. Kay Nox lang ako nagpapa unli-manyak with all consent, char!!! lol. So NO talaga, may BF ako o wala. :D hekhek. :D

  1. Hahaha! Prospective rape victim... that would be the best complement i've heard so far. hahahaha!

    Hirap talaga sa locker rooms. Hindi naman ako habulin ng mga rapist tulad mo, but still, private things must be kept private. And if we keep them in private i believe the world would be a better place. Hehehehe...

    Kung saan saan ka kasi nagpupunta!