Posted:
Wednesday, June 1, 2011
by RoNRoNTuRoN in
- Dahil 1st day of summer, nagulat ako kanina nang mag snow ng konti sa isang maaraw na umaga. ang weird.
- Pababa na ako ng buss kanina, nang may magtext sa roaming number ko. Aaminin ko, kinilig ako. heychu! haha.
- Natakot ako kahapon. After years ng pagiging dormant, umatake na naman yung migraine ko while on my way home from work. I lost my right vision for a moment. Ganoon ako mag migraine, nabubulag for a while.
- Naeexite ako dahil June na. Kaunting pagaantay na lamang, muli akong babalik sa Pilipinas. at lalamon ako ng Jollibee at pasusukuin ko ang mga barista ng starbucks.
- Worried ako dahil medyo matagal pa ang sweldo at I only have 100 NOK on my wallet. Goodluck talaga sakin.
- Natatawa ko sa pagwawala ng isang pasyente kanina. Na haggard lahat kami sa work. Muntik nang patulan ni Rebecca (ka work na Swedish) yung pasyente. haha. Eksena lang. Lurve.
- Satisfied ako sa progress ko. Hindi ko na gaano naiisip at nalulungkot kay ex. In fact, i realized I can live without him.
- Nalilito ako kanina. Nagkaroon kami ng general meeting kanina with my boss and the institution's head. Siyempre nagpabibo ako. Nagpabibo sa pakikinig. Napanisan ng laway. Inantok at nawindang. Ang bilis nila mag Norwegian, haggard. So ako na ang best in active listening kanina. Char!
- Naiinis ako kanina kasi siksikan sa buss. Sakit ng hita ko sa pagtayo.
- Nagagalit ako sa nakaimbento ng mixed nuts na maanghang. Muntik na akong bumuga ng apoy kanina.
- Di ako maka get over so uulitin ko, kinilig ako kanina. haha.
- Nagsikip ang dibdib ko at nahirapang huminga. Ito ay gawa ng mga kinain kong hipon. napaka dami.
- . Off ko na bukas. weeeeeee.... Itutuloy ba natin ang naudlot na game? ahihihi. Daahil jan, enthusiastic ako
- Hindi ko alam pero confused na talaga ako. 2 na ang crush ko sa work, parehas babae.
- Nalilibugan ako. Ay hindi pala. wala akong alam sa ganyan. 5 months nakong virgin. Hirap palang maging OFW. haha.
- Disappointed ako. Walang sense tong entry kong ito.
16
comments:
Haha. This is funny! Your post reminds me of Bob Ong. You sound a little like him. :-D