NOONG MINSANG KILIGIN SI RONRON

Posted: Friday, July 8, 2011 by RoNRoNTuRoN in
22

Hindi ko alam pero masaya ang aura ko that day. I used to work in the best hospital in the Philippines.  Nakaupo ako sa harap ng nurses station carrying out some gabundok na doctor's orders laid infront of me. I was the charge nurse that shift so ang pinaka opisina ko ay ang nurses station at tambak ang trabaho ko sa mga orders ng doctor  at demands ng pasyente.. Kararating lang nung unang admission ko sa ward, so I was still busy writing something when suddenly, the phone line in front of me rang.

"Hello Sir. Admission department po ito. Itatanong ko lang po kung na linis na yung room 2***. May i-aadmit po kasi kami diyan" isang gwapong boses.

"Anong Case?", ang sabi ko sa masungit kong tono. If you sound notorious kasi, tumitiklop minsan yung admission at hindi na nag aadmit. The less admission, the less workload.

"For check up lang po sir. 66 years old male under kay Dr. *****".

"Sir, siguraduhin mong petiks lang yan at pag ako natoxic diyan, ikaw ang lagot sakin".

"Ang sungit mo naman sir. Si Sir Ron ba ito?"

Sandali akong natigilan. Wala naman akong ka close personally sa mga taga admission para may makakilala sa akin.

"Yes sir, ako nga. Anung oras ninyo iaakyat yan kasi di pa ko tapos dun sa unang iniakyat nyo. Kaunting interval lang sir ah, ang toxic nung una kong admission" ang sagot ko. Hindi na ako nag attempt alamin kung sino pa siyang nakakakilala sa pinakagwapong nurse ng ospital. Ehem.

"Mamaya pa ito sir. marami pang inaayos na papers dito eh". Sabi ni sir admission sa kabilang linya.

Pagkababa ko ng phone, I continued what was I doing. After 2 minutes, may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Hi sir Ron".

Dahan dahan kong itinaas yung mukha ko para hanapin kung sino iyon.

Pak! akala ko, mamaya pa?!

Si sir admission na nasa harap ko na ngayon, may dalang papel at pasyente sa wheelchair. Napanganga ko at natameme sandali. Siya pala ang kausap ko sa phone.

Matangkad siya, payat, makinis ang mukha, fair skin, smiling face, at oo, aminin ko super pogi. Dati ko na siyang nakikita at napapansin pero di ako nag attmpt mag go sa next level. Primarily may karelasyon ako that time and pangalawa, hindi alam sa hospital yung true identity ko. So therefore, hanggang tingin na lang ako sa kanya dati. Papangalanan ko siyang Jan dito.

Hindi ko rin inakala na alam niya ang pangalan ko. Or siguro, nabasa nya lang sa ID ko. Una kaming may encounter sa fishballan sa employees entrance ng hospital. Hapon iyon, galing ako sa work at kasabay kong nag merienda doon si Ate T. Kasalukuyan ako noong tumutusok ng fishball, ng bigla akong kausapin ni Jan.

"Hi sir! Kumakain ka din pala dito"

"Ah, eh, oo. Ngayon lang"

"Ang sarap ng fishball no?! Pauwi ka na ba sir?!"

Mas masarap ka. At iuwi mo na ako. choz. " ...ah, eh oo, nagmemerienda lang muna kami ni ate T. dito bago umuwi..."

Pagkasabi ko noon, hinila na ako ni Ate T sa isang gilid malayo doon sa manong fishball at duon namin kinain yung maruruming fishball. Binulungan ako ni Ate T. Sabi nya sa akin, feeling daw nya eh nababakla sa akin yung guy. Tinanong ko si ate kung kilala nya yoon, sabi niya admission staff daw.

"Hay nako ron, sure ako! May gusto sayo yon. Nakita mo ba yung mga mata habang nakatingin sayo?! Parang cartoons! nagniningning!"

"Sira ka talaga ate! sige na nga, uuwi na ako...", sabi ko na lang para kunwari dedma lang ako. Pero totoo, kinilig ako bigla. Nung napadaan ulet ako sa naglalako ng fishball, nakita ko na andun pa at kumakain si Jan, bigla akong nilingon at sabay kumaway. "Ingat sir!" Sinagot ko na lang siya ng tango at ngiti.

Doon ako nagsimulang mapansin si Jan. Sa pagkakaalala ko, hindi naman niya hiningi pangalan ko sa fishball moment namin. Pag nakakasalubong ko siya, nakangiti sa akin palagi at nireresbakan ko din ng ngiti. Unti unti kong naappreciate ang maamo at pogi niyang muka, ang height na na nakaka inlove at ang payat niyang katawan pero mukang masarap. choz.

Balik tayo sa context. Tumayo ako bigla sabay nilapitan si Jan. Pinipigilan ko lang pero para kong maiihi sa kilig that moment. Kinuha ko yung admitting orders ng pasyente sa kanya sa kanya, saka nag sign duon sa receiving copy nila.

"Akala ko mamaya pa. Ikaw ba yung kausap ko sa phone?" tanong ko.

"Sir Ron, ako nga yon. Nagmamadali po kasi yung patient, gusto na pong magpahinga sa kwarto".

Pakialam ko sa pasyente. Eh kung tayo na lang ang magpahinga doon sa kwarto. "Ah, ganun ba, Ok...." ayoko magpahalatang gurl ako that time. Siyempre manly manlyhan pa din ang inyong lingkod.

Mula sa peripheral view ko, nakikita ko ang abot tengang ngiti niya habang nakatitig sa akin. Ewan ko ba pero para kong tinutunaw noong mga panahong iyon, kaya nanghihina akong magtrabaho noon please.

After kong pirmahan ang papel, ibinalik ko iyon say Jan, at inihatid niya ako yung pasyente sa kwarto. Dahil mejo ma kire ako, nag stay akong nakatayo sa harap ng nurses' station para magpa girl. choz lang. Inabangan ko siyang lumabas at dumaan ulit sa harap ng station after mag hatid ng pasyente. Busy busyhan kunwari akong nagsusulat.

After 1 minute, nagulat na lang ako ng may biglang nag lapag ng isang sakong cookies sa harap ko at mga pakete ng 3-1 coffee. Paglingon ko, si Jan yung nasa likod ko.

"Para saan to sir" ako.

"Para sa inyo dito sir Ron."

"Habang palayo na siyang naglalakad, napasigaw na lang ako bigla. "Salamat ah! sige lang, mag admit ka pa dito!"

Lumingon na lang siya at ngumiti ng napaka tamis.

Pag lingon ko sa nurses station, naka freeze lahat ng kasamahan ko. Parang natulala sila at di nila kinaya yung mga nangyari.

After noon, ang ingay ingay sa station. Dahil PG kaming mga nurses na duty, inavail agad namin ang mga cookies na bigay sa  akin amin ni Jan. At pagkatapos noon, andami ko nang naririnig na komento at suggestions sa paligid.

Sir Ron, may crush sa iyo yon ano?!
Sir Ron, ang gwapo nun ah!
Sir Ron, mag admit pa tayo, para mas marami pang food na dumating.
Sir Ron, patulan mo na para hindi tayo pag initan ng admission.
Sir Ron, kinikilig ka no?
Sir Ron, kilala ka pala non?
Sir Ron bading ba yon? Bakit parang may gusto sa iyo?
Sir Ron, pwede namang sa amin ibigay yung mga cookies, bakit sa iyo pa?

Mga leche! Eh kasi nga, ako yung gusto! choz. Natatawa na lang ako at bumalik sa pagka busy busyhan. Hindi ko ipinapahalata na naiihi ako sa kilig pero paminsan minsan ay napapangiti ako. Kanina cookies at kape, anu ang susunod na ibibigay nya sa akin? butong pakwan? bulaklak? lamay, ganyan? ahahaha.

Naulit pa ang pag daan daan niya sa harap ng nurses' station. Binilang ko iyon. 5 beses siyang dumaan sa station para magpa cute sa akin. Bukod pa yun duon sa mga moments na naghahatid siya ng pasyente sa ward namin. Siguro, dahil alam niya na ako ang charge nurse that shift kaya you can see me nowhere else but infront of the station, dinalasan nya ang pag daan daan. Pag dumadaan siya, nagtatawanan sa kilig yung mga ka staff ko. Panay tukso. Bakla ata itong si Jan kasi parang kinikilig din siya kapag sumisigaw yung ka staff ko ng "Sir!!! Si sir Ron oh!".  O sige, kayo na! Kayo na yung may moment. Inyo na ang korona! joke.

My shift ended with 7 admissions. Far greater than the usual 3 to 4 admissions on the PM shift. Talagang pinangatawanan ni Jan na babalik siya at mag aadmit pa. Ako na ang tinaguriang best in admission. Sabi nung isang staff ko, wag na daw ako mag chacharge nurse kasi silang mga bedside nurse daw ang nahihirapan sa dami ng inaadmit ko. ahahahaha. Kasalanan ko bang mabakla sakin yung poging yon?

Nung pauwi na kami, kasabay kong naglalakad pa labas ng hosp yung mga ka staff ko. Sa labas, nakita ko ulet si Jan, nakaupo sa isang upuan dun sa dilim at nagyoyosi.

"Sir Ron! Uwi ka na ba?!"

OO, ibahay mo na ako please.  "Oo sir! Andami kong admission ah!"

"Bukas ulit sir! duty ka ba?!"

Pwede akong mag duty, saan ang address mo. "Off ko na bukas, sorry.... "

"Sayang naman..."

Nakakapikon yung mga bungisngis na naririnig ko from the background coming from my co-staff nurses. Di pa din ako nagpahalatang nag oorgasm na. choz.

The day may be very tiresome, pero may ngiti sa labi ko at the end of the day. Para akong bumalik sa pagka high school nung panahong iyon. ahahahahaha.

At di ko sure kung isusulat ko pa ang karugtong nito. May chapter 2 pa ito eh. ahihi. Landi mo RonRon!

22 comments:

  1. ^travis says:

    chapter 2, please! demanding ba? dropped by and followed you.

  1. Salamat sa pagdalaw travis! cge, alalahanin ko ang susunod na kabanata.

  1. zeke says:

    kamutin kita kuya Ron, ang kati kati mo eh! bwahaha. nakakaintriga naman yang si Jan

  1. onga chap 2 na! kinikilig din ako,,, hahaha

  1. hahhaha nagkamali ka ba or Jay ba talaga pangalan ni Jan?? :) saya :)

  1. ay nako kuyaronron! kaiinggit! sa work ko either Chemical Engineer or Teacher. waley! disyerto ang mga fields na yun! Although meron akong kawork ngayon na uber gwapo pero straight eh... hihi!!!

  1. Nate says:

    @ronron: yikeeeeeeeeeeee... honglondemolong 'teh!! :P kilig moments are always a fun read.. :D

  1. @green, nako d kaya ako makati, e2ng si Jan ang makati. ahahaha. :D

    @mark, parang ayoko i post yung chapter 2, baka ma mtrcb ako. choz.

    @Hush, Jan, or Jay or whatever hehehe, typo lang sir, pero oks na cya ulet. :D

    @Wilber, wala nang gwapong straight ngayon, i avail mo na yan!

    @Nate, i know right?! haha. dati pa naman tong storyang to.... ahahaha.... kasalanan ko bang maging artistahin?! lol.

  1. Nate says:

    @ronron: edi ikaw na ang guwapo.. hmf!! --- "i know right?! haha. dati pa naman tong storyang to.... ahahaha.... kasalanan ko bang maging artistahin?! lol."

    ay, prang i like chap. 2 na rin.. hihihih.. :P --- "parang ayoko i post yung chapter 2, baka ma mtrcb ako. choz."

  1. @nate, ahahaha, loko. wala! walang chapter 2! lolx. :D

  1. Leo says:

    hahaha! kilig much. :)palong palo sa akin ang "pag-avail" ng cookies.

    kaka-goodvibes 'tong kwentong 'to! :)

  1. @Leo, infairness, ang sarap ng cookies ni Jan! ahehehehe. :D GV lang! :D

  1. hintayin mo matikman yung creme puffs ko sa birthday ko! chos!

  1. Unknown says:

    ang Kilig nga talaga, kasi nga naman sa haba nung post nato. hehehehe. Anyway, kumusta ka na>

  1. @Tim!!! haba ba?! lol. okies naman ako ikaw?! salamat sa pagbabasa... :D

  1. NOX says:

    hmmmmmmmmmmmm...

  1. aran says:

    kuya ronron! gusto ko ng chapter 2 now na! i ym mo na yan!

  1. Aran! kuya ka jan! ahahahaha. :D

  1. JM says:

    hanggang sa pagbasa ng mga comments nakangiti pa rin ako. KILIG! :D

  1. ahahaha, ikr JM?! ahahaha