BEAUTIFUL SUNDAY
Posted: Sunday, January 22, 2012 by RoNRoNTuRoN inLinggo na naman. Rinding rindi na siguro sa akin ang snooze button sa phone ko bago ako gumising at bumangon kaninang umaga. Bakit ba kasi naimbento ang snooze, anlakas tuloy maka-tempt na humilata pa at humirit ng ilan pang minuto. Nauso tuloy ang: "sige, five minutes idlip pa...."
After five minutes...
Ayun, walang nagawa ang alarm kundi manahimik at mag snooze ulet.
After six attempts na bulabugin ang tulog ko, gumising na ako dahil kung hindi, maiiwan ako ng bus. Yes, may pasok ako kanina kahit linggo. Ako na ang masipag... or masasabi ring malaki ang pangangailangan sa pera. haha. 1. After maligo, nagbihis na ako at nagsuot ng:
a. Sports bra na may silver lining
b. Stockings
c. Posh Wool Sweatshirt
d. Mini skirt na purple.
correct answer: C. Posh Wool Sweatshirt. Dahil nangati ang kamay ko sa sale sa H&M kahapon, napabili ako ng wala sa plano nitong cute brown wool sweatshirt. Hindi nyo naitatanong eh apat ang patong ng damit ko pag pumapasok: sando, shirt, sweatshirt at pang eskimong jacket (na may fur). Ewan ko lang kung ginawin pa ako nyan. BUT NO.... Nakakaloka yung ginaw kanina, -18 degrees celcius naman kasi. May mga nakasalubong nga akong polar bear sa bus stop. chos.
2. Pagdating sa work, ang una kong ginawa ay:
a. Sumayaw ng "Marry The Night" sa hallway
b. Nag kape at nagpahinga.
c. Nag facebook ng mga dalawang oras
d. Nag inject ng insulin sa tyan ng isang pasyenteng windang
correct answer: D. Naloka ako, pagdating ko sa work, andami kong pasyente. At andami ko na agad utos sa akin nung senior ko. Pero ok lang kasi in a nice way naman niya sinabi and ang prinsipyo ko na ngayon eh : "Sige, toxicin nyo ako, mas lalo akong gagaling, mas magaling pa sa inyong lahat..." haha. So ayun na nga, windang yung isang pasyente at naisipang mag breakfast sa office namin. Nagkakape si lolo. wala pang insulin?! ahahaha. So go! Ininjectionan ko na agad habang good mood pa siya. Hindi nyo naitatanong eh sa isang Psychiatric Department ng may mga Dementia ako nagtatrabaho, so pahirapan ang mga ganyang injection. Eh since magaling ako, (chos!) ako na!
3. Tinulungan ko ang isang pasyenteng umupo sa isang sofa. After ko siyang mapaupo ng maayos, ano ang ginawa ng pasyenteng ito?
a. Sinapak ako sa bibig at pumutok ang labi ko. Instant Anjelina Jolie.
b. Nagpasalamat siya at sabay bear hug!
c. Dinuraan ako sa mukha.
d. Hinipuan ako sa pwet.
Correct answer: A. Yes, akala ko ako si Anjelina Jolie kanina or Anne Curtis. Pumutok ang labi ko, dumugo. Ansakit! Buti hindi ako gumanti! chos! Ganoon ka unpredictable ang mga psychiatric patients. ang ayos ayos mong tinulungan makaupo, bigla kang sasapakin. It's part of my work, I thought. Nagsorry naman siya sa akin, at after noon, super sweet nya na sa akin ulet at hinu-hug ako parati. Kaya may incident report na naman akong ginawa kanina.
4. After ko ng work, ako ay:
a. Nag beerhouse.
b. Gumawa ng snow angel mag isa.
c. Nagsimba
d. Nanood ng sine sa Isetann. Kumeme.
Correct Answer: C. Ano akala nyo sa akin, nagi-Isetann?! Lol. Siyempre, it's a Sunday. Kahit lagi akong pagod sa work, diretso lagi ako sa church pag Linggo. Walang palya yan! Hindi lang halata pero banal talaga ako. haha. Nag belo nga ako kanina at naglakad ng paluhod papunta sa altar. Joke lang. walang ganun dito. Pero I find it really uplifting na mag simba every sunday. And I don't even feel it as an obligation. Its a way of life na siya para sa akin. This year, sana ma complete ko ang 52 sundays sa church!
5. Sa gitna ng misa, may tumabi sa akin. Siya ay:
a. Si AJ Dee
b. Si Manny Pacquiao
c. Si LA Lopez
d. Shamcey Supsup. 25. Philippines
e. All of the above
Correct answer: E. Cheka! Correct answer is A. Si AJ Dee. Yez! Ang crush ko dating artista na hunk na over yummy ang abs. Katabi ko sa church kanina. Nandito siya sa Norway with his wife. Since last year, mga October, nakikita ko na siya sa church, pero last week ko lang na confirm na siya nga talaga yun. Muntik akong naihi at feeling ko hinipan ako sa clitoris nung nakita ko siya. Charoth!
6. Pari: "Give each other the sign of peace..." Ano ang ginawa ni AJ Dee sa akin?
a. nakipag torrid.
b. nakipag athlete chest bump
c. Dineadma
c. Ngumiti, at sabay sabi ng "peace be with you" sabay kumindat.
Correct answer: C! Minus the kindat thing. ahahaha. Pero in fairness, ganda ng ngiti ni koya. ahahaha. Pang artista! Siyempre, artista nga kasi siya talaga. lol. Gusto ko sana makipag hand shake kasi dito, pag part na ng peace be with you nag hahandshake lahat. Eh umiral ang pagka mayumi ko. nahiya akong makipag kamay... sayang! chos! Lakas maka distract ni kuya sa pagsisimba ko! haha.
Bonus Question:
7. A quadratic function has its vertex at the point (4,7). The function passes through the point (-9,3). Find the quadratic and linear coefficients and the constant term of the function. Explain your answer in an essay form, 1000 words.
So ayun lang. Walang masyadong ganap ngayong araw na ito... makatulog na nga ulit para ma avail ko na ulit ang snooze button mamaya pag gising ko.

Gusto kitang kurutin ng pinong-pino sa post na ito. Lalo na sa Isetann at AJ Dee part.
.
.
At naloka ko. Kasi minsan dito sa Pinas nagtatatlong patong ako ng damit (dahil mahilig ako maglayering, bakit ba)ano pa kung andyan ako. Baka magpalagay ako ng heater sa katawan. Amp.