WE WILL ROCK YOU!!!

Posted: Friday, September 16, 2011 by RoNRoNTuRoN in
13


It all started last 2002 with a free ticket. Actually, hindi naman siya talaga free. I paid 20 pesos to my besfrenn na nag bigay sa akin ng Gen Ad ticket. Siyempre, lahat ng friends ko from UPD ang kasama ko, alangan namang umarte pa ako. Nag maroon na din ako, naki cheer ng UNIBERSIDAD, with matching steps and all. Hindi naman sa akin mahirap pumanig sa kalabang eskwelahan. Malapit sa akin ang UP dahil ang mga kaibigan ko ay mga Isko, at dito din ako nabibilang bago ko napagisipang sa ibang unibersidad mag aral.

This year was supposed to be my 10th straight year ng panonood ng UAAP Cheerdance Competition live at the Araneta. Sadly, I can't make it this year since I'm here sa North Pole. chos.

Andaming makukulay na kwento at ganap sa taon taon kong pagpila at panonood ng CDC. Mahihiya sa akin yung may mga panata sa Baclaran pag nalaman nilang 4:30am pa lang ay nakapila na ako sa labas ng araneta para mag vigil at makabili ng ticket, na sinisimulang ibenta ng 1:00pm. Sa loob ng 8.5 hours, madaming kwento ang nagaganap. Hindi ko makakalimutan ang pagpila, pagtulog, pagkain sa green gate. Marami din akong ginagawa para aliwin ang sarili kasi wala naman akong choice diba? Nakikipag kwentuhan, nakikinig ng mp3s, naglalaro ng baraha, kumakain, nakikipag french kiss (chos!) at nagtitikol (mas lalong chos!)

Iba iba din ang kasama ko sa panonood. Nung una, mga UP Friends and/or FEU friends ang kasama ko. NItong mga recent years, mga exs ko na kasama ko, kasi nagsimula na akong kumire. ching! I remember last 2004, kasama ko yung bestfriend ko. Since taga UP siya, taga FEU ako at magkatabi naman sa sitting arrangement sa Araneta ang schools namen, sa mismong gitna kami umupo. She cheered for FEU as I cheered for UP. Pareho kaming malungkot umuwi kasi UST yung nanalo noon. haha.

Andami ko pang mamimiss. Hindi naman kasi biro yung 9 years kong naging panata. Mamimiss ko gumising ng 3am para maagang makapila (adik lang diba?) , mamimiss ko din yung pagtulog sa labas ng green gate, pakikipag siksikan, mga buwis buhay na tulakan, mga eksena ng singitan at parinigan sa mga sumisingit. Mamimiss ko din ang mga strangers na nakikilala sa pila, lalo na ang mga discreet cuticle remover na nakakakwentuhan at nakaka fling after. Etchos! Siyempre, mamimiss ko din ang pag wawagayway ng dilaw na panyo ala El Shadai habang kumakanta ng "Let's Go! Let's Go Tamaraws!" Peo pinaka mamimiss ko yung school spirit! Yung cheeping squad ng puso ko: FEU CS.

I hope for the best results tomorrow. Siyempre, I'm praying for my Alma Mater. Sorry daddy Nox, bukas galit galit muna tayo! ahehehehe.... Pero kahit FEU man or UP ang manalo (no offense sa UST, pero wala siya sa options ko), ikaw pa rin ang nagiisang winner na naka jackpot sa puso ni RonRon. :D

Goodluck sa lahat ng pep squads bukas ng 8 schools. :D May the deserving team win! :D Go Fight Tamaraws!  Na excite na ako for #Bollywood! Galingan nyo! Virginity ko ang ipinusta ko para sa inyo! Chos!

13 comments:

  1. kenchu says:

    Haha. Aliw! Ako isang beses pa lang nakapanood ng live. Madalas sa tv lang.

    At bakit waley sa option mo ang UST? Haha.

    Black Gold Black White pa rin! :-) RAWR!

  1. @kenchu, ahahaha. Ayaw ko talaga kasi sa UST. Nung mga una lang ako naaaliw sa USTe kse booster yung 1st crush kong lalake. :D pero nung d ko na cya crush, ayaw ko na rin sa USTe. haha.

  1. Unknown says:

    wow- para namang ang sarap ding manood!

  1. NOX says:

    galit-galit talaga muna tayo. dito nakasalalay ang pustahan natin. hehehehe

  1. Sean says:

    kahit matagal ang pila masaya basta may kasama. kasama ba ang aking alma mater? go assumption! jk!

  1. zeke says:

    love ko din ang UP dahil marami akong ex dun. charozcaldo, apat lang. anyway highway, gusto ko nga ang UP Pep hindi dahil sa mga friends/exes ko (pero part na rin yun) kung hindi dahil sa magaling sila. haha

  1. Leo says:

    At bilang isang bollywood fanatic na nakapanood ng slamdog millionaire at ng kabi kushi kabi kham, pati na rin ang pangangarir ko ng zee tv sa cable, i'll support FEU this time.

    namaste! :)

  1. egG. says:

    cheerdance fever pala ngayon... mga naababasa ko sa ibat ibang panig ng net....

    gud lak sa alma mater nyo po....

    :D

  1. ^travis says:

    naman! si noxy talaga ang big winner. panalo na kay ronron, panalo pa kami sa cheer dance, UP Fight!

    now ko lang napansin na may chos, chos ka din. nice! ahahaha.

  1. bien says:

    UP FIIIIIIIIIIIIGHT!
    Wagi na naman

  1. in fairness, ginamit na mismo ng FEU yung panyo ng el shaddai! hahaha. medyo magulo nga lang. :)

    sa'ting lahat yata, ikaw lang talaga yung tumuloy ng tradisyon ano? iba rin ah. hahaha. :P

    this year, alam nating walang duda na up pep squad ang panalo.

  1. @besfrenn, ahahaha, at given the chance and money and opportunity, uuwi talaga ko sa Pinas para manood nito. ahahaha. ako na ang fanatic sa ating lahat!
    Congrats at ang galing ng UP! :D Proud dn ako sa FEU. :D sabaw ng lasalle please, na bore ako. :D

  1. ang galing ni regine kumanta hehe..