CHEATERS CREEPERS
Posted: Monday, June 4, 2012 by RoNRoNTuRoN in
Simple lang naman ang mundo eh. Kung ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa ibang tao, lalo na sa "mahal" mo.

Pwera na lang siguro kung isa kang Cheaters Creepers.
Nalulungkot ako sa mga narinig kong istorya ng lantarang panloloko ng isang kaibigan sa kanyang kasintahan. Or actually maraming istorya. Maraming kaibigan. Marami ring sinasaktan. Mula noong nagkaroon ako ng long distance relationship, naging positibo ang pananaw ko sa isang relasyon. Naniniwala ako na pwedeng maging tapat ang isang relationship. Naniwala ako sa happy endings. Kaya naman pag may nababalitaan akong relasyon na nasisira dahil sa pagtataksil, nalulungkot talaga ako.
Nalulungkot ako both para sa mga kaibigan ko at pati na rin sa kanilang mga kasintahan. Bilang isang concerned na kaibigan, nalulunkot ako kasi nalilihis sila ng landas. Well, malalaki na naman sila at dapat alam na nila ang tama at mali at mayroon na silang adult judgement para malaman na mali ang kanilang ginagawa. Bilang friend, gusto ko na maging masaya ang mga kaibigan mo sa tamang landas. Gusto ko na hindi sila napapariwara o nagsasayang ng magagandang bagay... gaya ng isang relasyon. Sa huli, ayaw ko silang makitang talunan, malungkot, nagiisa, hindi makaahon sa kumunoy ng kasinungalingan na sila mismo ang may gawa.
Sa parte naman ng mga kasintahang niloloko, nadudurog ang puso ko para sa kanila. Alam ko kasi yung feeling ng niloloko ka ng clueless dahil napagdaanan ko na iyan sa mga nakalipas kong relasyon. Nailalagay ko ang sarili ko sa kanilang sitwasyon bilang ako ay maraming beses na ring niloko noon. At pag nalaman nila na sila ay pinag tataksilan ng kanilang mga partner, talaga namang masakit iyon, hindi maipaliwanag. Ang hiling ko lang, sana malaman na rin nila ang panloloko sa kanila as soon as possible para matapos na yung kasinungalingan. Naniniwala kasi ako na once a cheater, always a cheater. Proven iyan! Certified. Although hindi ko naman talaga ganoon kakilala ang mga syota ng mga kaibigan kong taksil, sana makahanap sila ng taong tapat magmahal.
Sa parteng ito, kahit kaibigan ko, hindi ko kakampihan at itotolerate kasi alam kong mali ang ginagawa nila. Kung sadyang makati ka / kayo, or kung hindi ka masaya sa partner mo, itigil mo yung relasyon. Huwag ka /kayong maglaro kasi hindi nakakatuwa. Meron ka / kayong nasasaktan, alam man nila ito o hindi. Sana rin, yung mga nanloloko sa relasyon, magkaroon ng lakas ng loob na aminin yung pagkakamali at itigil na yung relasyong sinira nila.
Hindi naman sa nagmamalinis ako. Minsan na rin akong nanloko, but that was many years ago, at ang mahalaga eh inamin ko yung pagkakamali ko at natuto ako sa nagawa ko. Bata pa ako noon. Since then, nagiba na ang pananaw ko at sa tingin ko ay iyon ang mahalaga.
Walang taong nagmamahal ng tapat ang may deserve na lokohin. Wala rin sa kahit sino sa atin ang may karapatan ng manloko ng minamahal sa kahit ano pa mang paraan. Hindi naman tayo binigyan ng Diyos ng damdamin para paglaruan lang. Irespeto natin ang dangal ng taong wala namang kasalanan sa atin kundi yung mahalin tayo.
At the end of the day, ikaw din naman ang makakasagot sa sarili mo. Yes, maaaring naging masarap ang mga patagong sulyap at halik, pero ano naman ang nangyari sa dignidad mo?
Sana ay may magising. Or mga magising.

aun buti na lng ako one girl man ako
sadly hirap pagtiwalain ng gf ko khit sang taon mahigit na kami parang lage pa din may duda hahays bakit kaya