SANA NGAYONG PASKO...
Posted: Wednesday, December 21, 2011 by RoNRoNTuRoN in
Ang
earliest memory ko ng Pasko ay noong 4 years old siguro ako. Namasko
kami ng mga ate ko sa mga kamag-anak namin sa Quezon City. Naka P500 yata akong
aguinaldo noon at tandang tanda ko pa ang regalo sa akin ng pinsan ko. Isang makapal na T-shirt with hood
na kulay blue at may design na mukha ni Mickey Mouse. Naging paborito ko itong shirt na ito for quite some time.
Taon taon, palagi na kami namamasko sa mga lola ko. Regalo rito at roon ang natatanggap
ko. Ang saya ng pasko noong bata
pa ako!
Natatandaan ko pa din ang pasko ko last 2008. Ito yung unang
paskong hindi ako nakauwi sa amin dahil nagsimula na akong magkatrabaho sa
isang ospital na malayo sa bahay namin. Nakatira ako noon sa isang boarding
house sa Quezon City. Mahalaga sa pamilya namin, lalo na para sa nanay ko, na
magsama sama kaming pamilya sa araw ng pasko. Pumunta sa aking boarding house
sina nanay at ang aking nakababatang kapatid at nagdala ng pansit, bibingka at fried chicken. Ako naman ay nagluto ng tuna
carbonara. Kahit simple, masaya naming napagsaluhan ang konting pagkain na
aming handa.
Pamilya. Ito ang isa sa sentrong konsepto ng Pasko. Higit sa
mga Christmas Party at magagarang palamuti at regalo, importante na buo, sama sama
at nagmamahalan ang bawat pamilya sa espesyal na araw na ito. Noong ipinanganak
si Hesus, nabuo ang isang pamilya na simbolo ng wagas na pagkakabuklod at
pagmamahalan.
Ito na ata ang pinakamalaking emotional at psychological
challenge sa buhay ko. Ito ang unang paskong hindi ko makakasama ang aking
pamilya. At dahil sa nakabakasyon ang kapatid ko sa Pinas, magisa lang ako dito.
Mag isa at walang kasama.
Minsan naiisip kong kawawa ako. Sa tuwing titingin ako sa
bintana, sa tuwing makikita kong nalalaglang ang mga yelo mula sa langit,
parang sinasakluban ng mundo yung puso ko at gusto kong sumigaw. Madalas ay napapatingin na lang ako
sa kawalan, tapos ay maiiyak. Mararamdaman ko na lang minsan yung
pagiisa, pangungulila at pagkabagot. Hindi madali yung ganito. Hindi madali ang
mag isa sa ganitong panahon ng taon.
Pinapatatag ko na lang ang sarili ko. Dahil gusto ko ding
maging busy, nag prisinta na lang akong mag trabaho sa December 24 at 25 para
malibang at may gawin kesa sa mag isa sa bahay at magmukmok. Wala naman kasing buting idudulot kung dadamdamin kong maigi ang
pagiisa. Hindi naman titigil ang oras o bibilis ang pagdaan ng mga araw kung
malulungkot ako.
Gusto ko din magpasalamat dahil kahit papaano, blessed pa
din ako kahit malungkot ang Pasko ko ngayong
taon. Alam ko na kahit malayo ako,
nandyan ang pamilya ko na iniisip din ako sa Pasko. Nandyan ang mga kaibigan ko
na kahit sa FB at Twitter ko lang nakakausap eh napapasaya ako. Nandyan din ang
aking dad na di nagkulang na ipadama na kahit malayo ako sa kanya, nasa puso
namin ang isat isa parati.
Hindi man kasing saya ng mga nakaraan ang Pasko ko this
year, hindi pa rin ito rason para kalimutan ang tunay na diwa nito: pamilya at pagmamahalan.
Happy
Birthday Jesus! Maligayang Pasko sa lahat! Spread the Love!!!


mangiyak-ngiyak si hana banana habang binabasa ang post na ito...
merry xmas sa'yO....don't feel lonely, coz Jesus is with us especially on His bday ;)