TAG ULAN
Posted: Thursday, December 8, 2011 by RoNRoNTuRoN in
"Manong Rockwell po."
Go.
Hindi biro yung pakikipagbuno na ginawa ko para maharang yung taxi na sinasakyan ko. Bukod sa isang sakong stranded people ang nagaabang sa gitna ng kalsada ng Makati Ave, Ondoyy-ish din kasi ang buhos ng ulan at ang traffic ay nakakarindi. Kaya no choice. Sabi ko sa sarili ko, kung kelangan kong makipag balyahan gagawin ko makakuha lang ng taxi. Ande yes, successful ako.
Matapos kong itupi ang basa at medyo nasira kong payong, agad kong pinunasan yung mga braso ko at mukha na nabasa din dahil di kinaya ng payong ko yung lakas ng ulan. Pero bukod dito, mas nababagabag ako dahil hindi ko mahanap yung bibilin ko. Limang National Bookstore ang sinuyod ko pero negative. Wala akong nakitang A4-sized Vellum Boards. Seryoso, medyo naiiyak na ako sa frustration ko. Last chance ko na ang National Bookstore sa Rockwell at kapag wala pa akong nahanap doon, baka magbikti na ako.
Pagkababa ko ng taxi, hindi ko na napigilan at nagsindi na ako ng isang yosi. Ganyan ako, pag na stress, napapa yosi. Matapos magsunog ng baga, pumasok na ako sa Rockwell at nagpunta straight sa National Bookstore.
At long last, nakabili din ako. 20 pcs nung vellum board. Tuingin ako sa relo. 8pm na. I am so late. Halos tumakbo na ako sa loob ng mall papunta sa taxi stand. Naloka ako nung nakita ko na ka level ng pila ng Wowowee yung pila for taxi stand. Sabi ko, kung pipila ako, super late na ako at baka useless na din ang mga binili ko.
Pumunta ako dun sa isa pang entrance ng mall, sa may bandang Starbucks. Kahit alam kong bawal mag abang at sumakay ng taxi doon, desperado na ako. Nung may bumaba sa isang taxi, nag pretend akong kakilala ko yung bumaba. Tapos sakay ako bigla sa loob ng taxi pagkababa nila. In that way, kung sitahin man ako ng guard, sasabihin kong kakilala ko yung bumaba at itutuloy ko yung metro nila.Luckily, walang sumita sa akin. Para paraan lang yan.
Sinabi ko sa manong driver kung saan ako magpapahatid. Napawi lahat ng pagod ko sa sobrang saya nung finally ay nahanap ko yung hinahanap ko at ihahatid ko na yung mga nabili ko. Whew! Para akong sumali sa Amazing Race or nag Go-Sees sa ANTM sa pagod. Whole day din kasi akong nag drive at nag mall at nag drive ulet pauwi kasama ang mga kapatid ko. Pero napawi lahat noon nung finally, papunta na ako sa aking final stop.
Pinara ko yung taxi at bumaba. Hindi ko na binuksan yung payong ko dahil hassle pa at medyo nasira na rin siya. Humanap ako ng masisilungan dahil umuulan pa din. Kinuha ko yung cellphone ko at nag dial ng number. Ring Ring....
"Hello. Nandito na ako sa baba. ", sabi ko.
"OK. Bababa na ako", ang sabi ng boses sa kabilang linya.
1 yosi. 6 na minuto.
"Dad..."
Narinig ko na ang boses ni dad. Halong saya at lungkot yung naramdaman ko nung nakita ko siya. Saya kasi finally nakita ko ulit ang maamo nyang mukha, at naibigay ko na sa kanya yung binili ko sa National Bookstore. Alam ko kasing kailangang kailangan nya yun sa paghahapit para sa kanilang Christmas Party for the next day. On the other side, nalungkot ako nung nakita ko siya. Halata sa mukha nya yung stress at pagka haggard sa work. Hanggang 6pm lang dapat yung shift nya pero tonight, he's working up til midnight. I gave him a quick, tight hug.
"Oh, eto na yung Vellum Boards na kailangan mo. Nahirapan ako maghanap nyan pero ang importante, nakahanap ako", ang sabi ko.
"Thank you! Nahihiya naman ako sa iyo."
"Anu ka ba, ok lang. I know you need some help. O siya, uuwi na ako, idinaan ko lang talaga itong kailangan mo..."
"Hala, pinapunta kita from Antipolo to Makati para lang dito? Tara, yosi muna tayo please..."
Nagyosi muna kami ng tig dalawa. Nag kiss din at nag yakap. Sabi ko sa kanya after ng kiss namin, "Solve nako! Worth it yung pagpunta ko dahil sa kiss mo! hehe"
Siyempre ayaw ko pa talagang umuwi noon. I offered to wait for him. He said, na pwede akong mag stay muna sa office nya. I offered him some help, kahit ano na pwede kong maitulong to lessen his work. I went to his office and started cutting some papers and other stuffs.
Around 10pm, nakaramdam na ako ng gutom. Kinapalan ko na yung mukha ko and asked dad kung may food siya sa office. We split his McDonald's Cheeseburger to half tapos yun yung pinagsaluhan naming dinner plus a glass of orange juice. Tapos tuloy tuloy lang kami sa mga kanya kanyang ginagawa.
Bilib ako kay dad, super sipag, to the point na naaabuso na nya ang sarili nya. Sabi ko sa kanya, don't abuse himself too much. Minsan kasi, kahit di na nya trabaho, inaako na nya. Tuloy, siya lagi yung nahahaggard. Madalas ko siyang sinusulyapan habang nag gugupit ako ng mga papel at siya naman ay subsob ang mukha sa computer. Nahihirapan yung loob ko na nakikita siya kagabing super stressed, aligaga at haggard. At least andun ako to offer some help and be some company.
11:30pm. He finally decided to call it a day. We took two separate cabs. Dahil nag dinner pa ako sa McDonalds's Antipolo, naunang nakauwi si dad. Sa gutom ko, yung inorder kong Mc Spaghetti, kinain ko in less than two minutes. haha.
Nung nasa tricycle na ako papuntang bahay namin, doon ko naramdaman yung pagod ng buong araw. Nanginginig yung mga ugat ko sa legs at ansakit ng paa ko. Noon ko lang na realize na basa pala yung medyas ko dahil napa tapak ako sa konting baha nung nasa Buendia ako. Buti hindi nangamoy paa sa office ni dad. hehe.
He called me bago siya natulog. Sobrang thankful si dad dahil sa tulong ko sa kanya. Walang kaso sa akin iyon, I'm glad to help at masaya ako na andun ako for him.
Natapos yung araw na tumila na yung ulan. Sabi ko kay dad, kapit lang. Marami pang ulan na darating sa work at buhay namin. Huwag siyang ma stress, ma haggard o mapagod. Nandito ako at susuungin namin ang ulan ng magkasama, may payong man o wala.
There's always a blue sky waiting tomorrow full of hope.

I love the positive spin dun sa dulo. Kinilig naman ako! :)