THE WOMAN WITHOUT AN OVERCOAT
Posted: Saturday, May 12, 2012 by RoNRoNTuRoN in
1. Superhero. Tagapagtanggol ko simula pa noong bata ako. Kapag may umaaway sa akin sa school noong elemntary, asahan mong kasama ko na siya kinabukasan pag pasok para ipagtanggol ako sa mga bully.
2. Master Chef. Iba talaga ang sarap ng mga luto niya. Ang kanyang Nilagang baka na may macaroni, ang Kare Kare nyang nilalagyan ko ng 2 kutsarang patis, ang Bistek nya na super, at kahit ang siomai nyang aaminin kong walang lasa pero ok na rin basta gagamitan ko ng isang boteng toyo.... Ang kanyang mga putaheng hinahanap hanap ng aking panlasa.
3. Soap Opera Star. Ewan ko ba, mahilig siya sa drama sa buhay. Pero kung titignan mo, may point cya sa mga dramatics nya. Mababaw ang luha nya at mahihiya ang paborito nyang si Vilma Santos or Maricel Soriano sa mga linya nya kapag may pep talk kami sa bahay. Kung merong Best Actress ng buhay ko, siya na yun.
4. Nurse. Although isa akong registered nurse, palagay ko ay wala nang mas gagaling pa sa kanyang pagaalaga. Wala man siyang lisensya galing sa PRC, hindi matatawaran ang kanyang pagaaruga at pagkakalinga sa amin kapag mayroon sa aming may sakit. Natatandaan ko pa kung paano nya ako pinupunasan ng tubig na hinaluan nya ng alcohol kapag nilalagnat ako. Naroon din siya sa tabi ko, hindi umaalis, sa tuwing ma coconfine ako sa ospital.
5. PA. Lagi siyang kasama kapag may contest at event sa school ko noong elementary. Lagi siyang nagpapalakas ng loob ko lalo na sa mga contest na sinalihan ko. Simula Grade 1 ako, kasa kasama ko na siya, lalo na noong umabot ako at lumaban sa isang national declamation contest. Nakikita ko lagi siya mula sa entablado, nakangiti, pumapalakpak at proud na proud.
6. Accountant. Hindi ko alam kung paano nya nagawang pagkasyahin ang maliit na sweldo ni daddy para makapagtapos kaming magkakapatid sa pagaaral. Saludo ako sa kanyang pag bubudget.
7. Guro. Teacher talaga siya dati. Pero nung dumating na kaming magkakapatid, sa kami na ang naging mga estudyante nya. Higit sa mga natutunan ko sa silid-aralan, tinuruan nya ako ng mga mahahalagang bagay sa buhay at iyon ang pinaka importante.
8. Security Guard. Mahigpit siya. Lalo na sa mga bagay na makakasagabal sa aking pagaaral. Bawal ang mga walang katuturang gala. Bawal ang mahahabang usapan sa telepono, bawal magpagabi kapag hindi school-related or project. Kailangan alam niya kung sino sino ang mga kasama ko at ang kanilang mga contact details. Siyempre, bawal din ang lovelife hangga't di pa nakakatapos sa pagaaral.
9. Spiritual Preacher. Religious siyang tao. Mula noong bata, ginawa niya kaming malapit sa Diyos.
10. Best Friend. Lagi siyang nariyan sa tabi ko sa oras ng saya at kalungkutan. Totoo at may sense ang mga payo niya. Siya yung taong una kong naiisip kapag ako ay naguguluhan o nalilito sa buhay. Nariyan siya lagi, handang tumulong nang walang hinihintay na kapalit.
Siya ang aking Nanay.
At sa araw na ito, gusto kong ipahayag sa buong mundo kung gaano ko ipinagmamalaki at gaano ko kamahal ang aking nanay. Siya lang at wala nang iba ang pinaka importanteng babae sa buhay ko. Mama's boy ako, oo, at hindi ko ikinahihiyang aminin ito. Sa loob ng 27 taon ipinakita niya sa akin ang wagas na pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak.
Nanay, mahal na mahal po kita. Hindi mo man mabasa ang blog kong ito, alam kong alam mo iyon.
Happy Mother's Day nay. I love you so much...

@Ronron: kakaiyak 'to, fwend!! happy mother's day to your mom!! :)