THE CREEP PART I: QUASIMODO
Posted: Tuesday, October 11, 2011 by RoNRoNTuRoN in
Dear Creepy Boy,
Kamusta ka na? It's been a long time! Although friends tayo sa facebook, wala na akong balita sa iyo. It's not that I don't open my FB often. Actually mas madalas pa ata akong nagfafacebook kesa sa nagmamasturbate nanonood ng porn TV. Dinideadma ko lang actually ang account mo. Kebs, ganun lang.
Natatandaan mo pa ba nung elementary pa tayo, taga ibang school ka pero naging friends pa rin tayo. Lagi kasi tayong nagkakasama sa mga poster-making at painting contests and workshops. Ikaw lagi yung nananalo kasi di naman maikukumpara yung galing mo! Hanga ako sayo noon kasi yung mga entry mo, mahihiya si Fernando Amorsolo. Eh ako ay isa lamang neophyte na artist noon at d pa masyadong hasa ang talento. One time, sa plaza ng Pasig tayo sumali sa Araw ng Pasig On-the-Spot poster making contest. E hako yung tipo ng taong mabilis marindi sa init. So to cut it short, rinding rindi ako habang nag dradrawing ng aking entry. Nung natapos na ang lahat at naka paskil na ang lahat ng entries, tinanong mo ako: "asan dyan ang entry mo?" ang sabi ko na lang: "ayoko sabihin, basta sa akin yung pinaka pangit". Actually, hindi naman pinakapangit yung sa akin noon, palaban din yung akin, yun nga lang, iba talaga yung dinrowing mo. Ikaw ang nanalo non at tumaas yung respeto ko talaga sayo noon.
Nung high school na tayo, same school ang pinasukan natin. Di kita naging kaklase dahil matalino ako. CHOS! Nasa pilot kasi ako at nandun ka sa section na d naka abot sa mga pumasa sa DOST entance exam. Gayun pa man, nakilala ka pa din sa buong school bilang isang maipagpipitagang artist. Naging magkaibigan pa din tayo nung high school an naging magkatrabaho sa school paper: Managing editor ako sa English at ikaw naman ang cartoonist ng Filipino school journal. Naging magka trabaho din tayo sa teatro. Isa ka din sa mga actor sa Entablado Rizal. Yung mga banat mo bilang komedyante yung isa sa nagpapanalo sa atin noon sa isang National One Act Play!
All was going well, pero bigla akong naloka sa revelation mo. Bigla kang nagtapat na meron kang gusto sa akin! Pare naman, straight ako noon! Ahahaha. Nung 4th year tayo, chickboy pa ako noon, nag two-time pa nga ako ng dalawang gf ko noon eh! Tapos bigla kang eentrada na gusto mong maging 4th party?! So kahit naka ilang tanong ka sa akin, hindi kita pinagaksayahan ng panahon noon.
Akala ko may closure ka na after high school. BUT NO. Bigla na lamang akong may mga narinig na balitang kumakalat na may gusto ako sayo at nanligaw ako sayo nung highschool. At na trace ko ang pinagmulan ng chismis: IKAW. Pare naman, 4th year college ko lang napagisipang mag iba ng landas! Eh 1st year college pa lang ipinagkakalat mo na na bakla ako. THE NERRRVVVEEE!!!! Masyado kang advance, in fairness ah! Hindi naman ako gwapo pero kung mababakla man ako nung 1st year college, definitely hindi sayo. Ganda kong toh! Cheka! Bakit mo naman kasi naisipang maiinlove ako sayo at nagkalat ka pa ng ganoong chu chu karakas. Hindi naman sa dinidiscriminate ko yung isa mong matang naka luwa and deformed na mukha, or yung ulo mong malaki na di proportional sa katawan. Neither yung mala kapre mong tangkad. Hindi ako mapang husgang tao. Inirerespeto kita kung anu ikaw. Na gain mo yung respeto ko sa talent mong na compensate ang physical malformations mo. Pero yung ipagkalat mong frustrated ako sa buhay ko dahil hindi kita napasagot...
THE NERRRRVEEEE talaga x2!
Mejo OA ka ah.
ANG KAPAL NG MUKHA MO!!! (repeat until fade...)
Buti na lang, hindi tanga yung mga kaibigan ko. Hello, ang class escort ng graduating honor class, magpapakabading sa gaya mo. ahaha. Iba ka din ma frustrate eh noh?!
Well, balita ko tumambling ka nambongga nung nabalitaan mo ang revelation ko nung 4th year college. Nakuha mo pa nga akong i-message sa friendster noon para maglabas ng angst mo. Nagagalit ka sa akin noon kasi ang sinabi ko sayo nung nanligaw ka sa akin eh straight ako.
Helloooo?! Earth to Creepy Boy....
Paki realize na wala akong dapat i explain sa iyo sa pag out ko. I don't owe you anything naman kase, and besides, totoo namang wala akong interes sa lalaki noon, at kahit pa siguro bakla na ako noon pa lang, you'll get the same rejection from me. (Ron flips his big bold curly hair).
So ayun lang. Wala na akong angst. Kebs na lang, ganyan. Naalala lang kita nung may nakita akong pic ni Quasimodo.
Godbless na lang sa buhay buhay. Hope nagbago ka na at nag mature. Hindi maganda ang magkalat ng mga bagay na hindi totoo please. At subukan mo ulit na magkalat ng bagay na di totoo tungkol sa akin, ipababaril kita, swear! Don't underestimate what my money can do. Chos!!!!
Sincerely yours,
The man you can never have.
RonRonTuron

Teh hawiin mo ng slight at mukhang nakakagat mo na hair mo.
LOL @ repeat until fade