I'M SO EXCITED
Posted: Thursday, October 27, 2011 by RoNRoNTuRoN inYes I am. I began counting days last July. I remember the day I started when I was at my "127 days na lang" moment! Then I came down on my 101-day serious countdown. I even made a geeky post about this 101 hunger strike. chos.
I now understand my aunt who used to work abroad. I now understand kung bakit ramdam na ramdam ko yung saya nya tuwing umuuwi siya sa Pinas noon. I now see na kahit di pa na iimbento ang unli noon eh unlimited yung perang ginagastos nya sa mga pasalubong at pagbili ng mga kung anu anu para sa aming mga pamangkin nya.
Ganoon pala talaga, pag naipon mo yung lungkot ng pagiisa at pangungulila sa mga taong mahal mo, willing kang mag one-day millionaire para lang makabawi sa mga araw, buwan, taon na wala ka sa piling nila. Para bang duon ka na lang bumabawi sa mga panahong dapat eh nasa tabi ka nila, malungkot sila or may problema. Mga panahong birthday ng kapatid or nanay mo, pero malayo ka sa piling nila at iba ang taong inaalagaan mo. Mga panahong walang matakbuhan ang kaibigan mong dati rati ay ikaw ang nakikinig sa kanya. Or yung mga monthsaries nyo ng bf mo na napalampas mo ng hindi man lang siya nakakasama. Naiintindihan ko na kung bakit most ng mga OFW-themed movies eh mabibigat yung mensahe at mostly eh sa kalungkutan at pangungulila umiikot yung istorya.
Malungkot. Nakakabagot. Nakakabaliw.
Ganyan ko ilalarawan ang buhay ng isang Pilipinong nangibang-bansa sa paghahanap ng kapalarang mailap sa Pinas.
Pero hindi yan ang gusto kong ibahagi ngayon.
Kasi yung dating 127 days, believe it or not, is 17 days na lang. Seriously, mabilis yung panahon. Mahigit dalawang linggo na lang ang susuungin ko at babalik na ako!
At syempre, ito yung 12 sa mga gusto kong i-avail ulit sa Pilipinas.
1. Public transportation. Sa mahal ng gasolina at trapik sa Metro Manila, mas gusto ko ang mag commute kesa sa ma stress sa pagddrive kay noxy (yes, bininyagan ko na ng ibang pangalan ang aking kotse). Sanay akong makipagsiksikan sa bus, sumabit sa jeep, mag back ride sa tricycle, mahipuan sa MRT at matulog nambongga sa mga FX. Na miss ko ng sobra ang public transportation sa atin.
2. Street Foods. Isaw, Calamares, Lugaw na madilaw, Goto na may free Hepa A, Fishball, Betamax, kwek-kwek, at kung anu anu pa. Cowboy ako pag dating sa mga ganyang trip. For almost a year, puro patatas, broccoli, soup, kamatis, tinapay, kebab ang pinagpapasasaan ko dito. Kahit mahilig ako sa patatas, rinding rindi na ako sa kanya please.
3. Boracay. At dahil hindi ako gaanong excited, August pa lang eh naka book na ako sa isang 5-star hotel sa Boracay. Huli akong nagbora last January, at sinabi ko noon, babalikan ko to. Well guest what, I am! Eto yung beach na babalikan mo talaga. Plus I'm not with my family this time, so pwede na akong mag wala sa Bora. ahahaha.
4. Enchanted Kingdom. Huli kong punta sa Enchanted was last 2007 pa ata. This time, I'm going there with some fellow bloggers and my dad of course. :D Tignan natin kung sino ang unang titili duon. ahahahaha.
5. Starbucks. Ito yung isa sa mga stores (bukod sa Jollibee) na winiwish kong magkaroon sa Oslo. Sadly wala pa. :( Meron pa lang mga naka tetra pack na starbucks sa mga 7-11 which costs around P300. So kahit mahilig ako sa starbucks eh di ko naisipang magmaganda dito at bumili ng ganun. Napakamahal please. Kaya itaga nyo sa bato, mag starbucks-to-sawa ako pag dating ko.
6. Jollibee. Naaalala ko noon nung nag aaral ako sa Makati, pag wala na akong pera, sa Jollibee ako nag lu-lunch kasi ang mamahal ng mga kainan sa Ayala. Noon, purgang purga na ako sa 1-pc burger steak + tubig, minsan pag may extra, may coke na kasama, or extra rice/extra steak sauce. It's true na you'll only value something when it's gone. Siyempre nagdadrama ako for the sake of Jollibee, pero it's true. I miss palabok, chicken joy, gravy, macaroni soup, swirly bitz, spaghetti at lahat ng products ng Jabi!
7. Nomo. Although hindi naman ako lasenggero, hindi pa din kumpleto ang vacation getaway kung walang paglalasing na magaganap. I checked my planner and I realized na parang mangyayari eh gabi gabi akong lasing pag uwi ko. haha. Dapat lang! D2 eh deprived ako sa paglalasing. Kung ang isang basong beer dito ay nasa P500, mas gugustuhin mo na lang mag member ng AA.
8. Party. Pota, ito talaga yung gagawin ko. Kating kati na akong mag lasing at sumayaw! haha. Unlike sa lifestyle ko sa PInas, wala akong social life dito. Meron pero wholesome. Hindi gaya noon sa atin na isang text lang sa akin ng kaibigan eh alam na na lasingan at sayawan ang kasunod. I miss you Metrowalk!
9. Lutong Bahay. Hindi kumpleto ang bakasyon kung wala ang Nilagang Baka, Sinigang na baboy/baka, Kare Kare, Dinuguan, Ginisang Munggo, Batchoy ni nanay! :D
10. Mall. Sa Pinas nagkalat ang mga malalaking mall. Dito, paliitan at pakontian ng mall ang ganap. Ang pinaka malaking mall na ata nila eh kalevel ng Manuela (ngayon ay Star Mall na). Sarado ang mga mall dito pag Sundays. 9pm ang sarado ng mall. Eh kamusta naman yun kasi?! Dito ko naappreciate ang Megamall, Moa, Trinoma, Gateway etc.
11. Lovelife Need I say more? See you soon dad! I've been practicing my Super Bass moves huh! :D lol.
12. Sex. Charot! Hindi no. Although I must say. I'm a survivor for almost a year without sex. Alam na! Cheka!
Pag kinanta ko ba ito, halata bang eggzoyted na ako? Tingin nyo? Oh gow, sure na, eto ang theme song ko for the next 17 days. Paki enjoy yung video kasi sila ang peg ng destiny's child. chos!

Aliw ako sa entry na to! :) Exciting ang checklist ah.
See yah soon.
Cheers!