HALIK NI HUDAS
Posted: Saturday, August 20, 2011 by RoNRoNTuRoN in Labels: Huwad na Katotohanan, Kamatayan at Pagkabuhay, Linda Blair, Tao sa Pangil ng Buwaya, Wagas na Pagibig
Paunang wika: Ang sumusunod na istorya ay lubhang hindi angkop sa mga batang mambabasa. Upang lubos na maintindihan ang lathalang ito, mas makabubuting basahin muna ang unang bahagi nito.
Abala ang tindero sa paghihiwalay ng mga bagong dating na gamot nang maramdaman niyang bumukas ang pinto. Tinuloy niya lamang ang ginagawa at hindi na nagawang tignan pa kung sino ang mamimiling dumating.
"Pagbilan ng lason"
"Anong klase ang kailang---"
"Syanuro. Kailangan ko ng syanuro."
Agad napatigil sa ginagawa ang tindero sa sinabi ng lalaking nasa loob ng kanyang tindahan. Ang boses na ito. Syanuro. Lason. Sigurado siyang natatandaan niya ang lalaking ito. Unti unti niyang inangat ang kanyang mukha upang harapin ang mamimili.
Hindi siya nagkamali.
Malaki ang ipinagbago ng itsura ng lalaki. Mahaba na ang kanyang dating itim na buhok, humpak ang mga pisngi, malalim ang mata at tila adik ang pangangatawan. Malaki man ang ibinagsak ng katawan nito, sigurado ang tindero, siya ang lalaking bumili sa kanya ng lason 2 taon na ang nakakaraan.Siya ang lalaking iyon, siya na kung makatitig ay hinahalukay ang pagkatao ng kausap.
"ahh.. ehh... "
Isang matalim na titig ang ibinato sa kanya ng lalaki.
"Kailangan ko ng syanuro....." ang kanyang sambit na animo'y bumubulong. Ang kanyang boses ay walang ipinagbago. Ito ay tila patay na bumangon mula sa kailaliman...
Hindi na nagawang titigan ng tindero ang misteryosong lalaki hanggang sa makaalis ito ng kanyang tindahan.
*******************************
Ibinaba ng lalaki ang kanyang basang dyaket at isang bote ng syanuro sa lamesa at hinubad ang lahat ng saplot. Makikita sa hubog ng kanyang katawan ang mga batak na kalamnang tanda ng maraming taong pagkabanat sa mabibigat na trabaho. Tinungo nya ang banyo upang maligo. Sa pagdampi ng mainit na tubig sa kanyang katawan, siya ay napangiti. Dahan dahan niyang hinaplos ang katawan at ninamnam ang init ng tubig na siyang humahaplos sa kanyang nagyeyelong puso.
Matapos maligo, isinuot nya ang kanyang paboritong pantulog: ang kanyang naninilaw na Barong Tagalog at ang katerno nitong kupas na itim na pantalon. Ikinabit niya ang isang bulok na rosas sa kanyang dibdib at saka tinignan ang kama at ngumiti.
Malalim at makahulugan ang kanyang ngiti, tila isang asong nauulol na nakakita ng makakasta.
Nahiga ang lalaki sa kaliwang bahagi ng kama kahit basa pa ang kanyang buhok. Tinignan nya ang kanyang kasiping ngayong gabi. Hinaplos ang pisngi nito habang ito'y mahimbing na mahimbing sa pagkakatulog. Tila ito isang anghel na natutulog. Patuloy ang kanyang pag haplos habang mahinang kinakantahan ito ng isang oyayi.
"hmmmm.... hmmmm....."
Inilapit niya ang labi sa tenga ng katabi at sabay binulungan ito ng: "akin ka lamang...."
Hinalikan ng misteryosong lalaki ang kanyang kasiping. Naglalagablab ang kanyang mga halik ngunit ang lalaking hinahalikan nya ay hindi man lamang gumanti ng halik at nanatiling mahimbing sa pagkakatulog. Ganyunpaman, itinuloy nya ang mga halik ni hudas hanggang marating ang isang impit na glorya.
******************************
Eksaktong pag patak ng alas tres ng madaling araw, dumilat ang mga nanlilisik na mata ng misteryosong lalaki. Bumalikwas siya mula sa pagkakahimbing at agad na tinungo ang salamin sa banyo. Hinaplos ang kanyang mahabang buhok na hanggang batok. Napansin nya muling pagiiba ng kulay nito mula sa ugat. Sinimulan nya ang kanyang seremonya sa pamamagitan ng pagsisindi ng pulang kandila. Kinuha nya ang isang mangkok na may lamang likidong tila putik at matapos ay sinuklay ng paulit ulit ang kanyang ginintuang buhok habang mahinang kumakanta ng oyayi.
"hmmmmm... hmmmmmm..... "
Matapos ang kanyang seremonya, tinungo ng misteryosong lalaki ang kusina at nagtimpla kg kape para sa sarili. Bago niya hinigop ang mainit na kape, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Ang pagdaloy ng kape sa kanyang lalamunan ay may kung anong ginhawang idinudulot. Alam niya na ang kapeng ito ay naiiba sapagkat ito'y hindi nakakagising ng ulirat, bagkos ito ang magdadala sa kanya sa rurok ng pagkapayapa.
****************************************
Sa isang punerarya dinala ang bangkay ni Aldrid at dahil ulila na at walang kamag anak, walang umangkin sa kanyang labi. Isang autopsy napagpasyahang gawin ng mga awtoridad sa kanyang bangkay upang masusing mapagaralan ang misteryosong sanhi ng kanyang pagkamatay.
Malamlam ang ilaw ng gabing iyon. Tanging ang naghihingalong bumbilya lamang ang liwanag sa masusing eksaminasyong ginagawa sa katawan ni Aldrid. Nakaririmarim ang itsura ng nasirang si Aldrid habang bukas na bukas ang balat nito mula dibdib hanggang puson at abot tanaw ang bawat madugong lamang loob. Atay, puso, lapay, apdo, bituka, baga.
Isang lalaki ang dali daling pumasok sa silid.
"Lumabas na po ang resulta ng mga eksaminasyon", ang pag hangos ng lalaking may dalang malaking sobre at ilang mga papeles.
"May importanteng bagay bang lumabas sa mga resulta?" , tanong ng doktor habang maingat na hinihiwa ang pantog ng bangkay.
"Hindi po ako makapaniwala sa resultang lumabas".
"Gulatin mo ako."
"Ang bangkay na iyan. Huwad!"
Napatigil ang doktor sa madugong ginagawa "Ano ang nasa papel na iyan?"
"Hindi tugma ang resulta ng eksaminasyon"
Iniabot ng lalaki ang sobre sa doktor.
Nakasaad sa papel na kanyang binasa:
RESULTA NG EKSAMINASYONG MIKROSKOPIKO
Pagkakakilanlan ng Bangkay: George ****
Dahilan ng Pagkamatay: Mataas na konsentrasyon ng syanuro sa katawan.

what da?!!! puzzle ito?!!! hahahah! magaling parang SAW lang ang kaweirduhan nito ah! malamang may kasunod! cheerio!