SPINNING RIGHT ROUND (Photo Tour)
Posted: Monday, August 8, 2011 by RoNRoNTuRoN in
This is a photo tour with me last 07.Aug.2011 at TusenFryd Park, Norway. Hope you'll enjoy guys! :D
Welcome to Norway's Biggest Amusement Park! TusenFryd
I arrived at the park 9:40am wearing my pasabog jacket together with some of my classmates from my previous Norwegian School in Pasig.
We were welcomed by these stupid looking clowns and some mascots.
Inuna naming sakyan ang palabang roller coaster na gawa sa kahoy. Ito na ata ang pinakamahabang roller coaster na nakita ko. Dumadaan pa cya sa mga tunnel ganyan. At dahil gawa cya sa kahoy, naalog nambongga ang utak ko at hilong hilo daw ang mga sperm cells ko.
At mukang hindi pa sapat ang pagkawindang sa roller coaster na kahoy, we tried their fastest roller coaster. This is SPEED MONSTER. Parang tanga, halos humiwalay yung balat ko sa pisngi sa panga ko sa sobrang bilis. With 6000 horsepower, This is hell fast!
Alam na kung sino ang nagmamatapang pero kabado.... Malayo ang tingin.....
Sumunod naming tinry ang pa tweetums na ride na parang Flying Fiesta ng EK. ahahahaha. e2 ang ride na wala lang, tengga lang ganyan.
Before mag lunch, napag desisyunan naming subukin na ang SPIN SPIDER. Eto ang ride na baliw ang gumawa. Buwis buhay teh! Pwedeng may mamatay! Umiikot yung bilog ng mabilis, habang nag su-swing cya na parang pendulum.
... and it swings both ways as high as 180 degrees. at a speed of 115km/hr.
... and I survived. Mura ako ng mura ng PI habang nasa ride... di naman nila naiintindihan... ahahahaha.
We had our lunch right after. Sa isang buffet restaurant, eat all you can ang drama namin. Since mga Pinoy kame, nalugi yung restaurant na ito. ahaha. Sinulit namin ang 199Kr. na binayad namin. ahahaha. We stayed here for 3 hours para kumain nang parang bibitayin, mag kwentuhan, magtawanan at mag chill lang. Mejo maulan pa kasi sa labas.
Isinunod namin ang parang wild river nila. Umuulan na tas nag ganito pa kami diba ang stupid lang, pero ang saya saya! :D may mga gulat factor yung ganito nila! ahahaha.
Inubos ko yung barya ko after sa mga perya perya games sa park. Gusto ko kasi manalo ng stuffed toy na baboy at ireregalo ko kay Daddy, kaso naubos ang 100Kr ko, hindi ako nanalo. I gave up. Oorder na lang ako sa internet. ang lungkot,,, :-( Goal not met.
Bump Car Bump Car ang sumunod naming ganap... naka 5 ulit ata kami dito...
At isusumbong ko kay Daddy itong si bad boy blondie na nagpapacute sa akin. Sundan ba naman ako sa bump car, at bungguin ng buungguin. Selective ang binubunggo nya. AKO LANG. Sumakay siya d2 para habulin ako at bungguin. STALKER ALERT! Isusumbong kita kay fafa Nox ko!!!
I so swear, effective ang susunod naming ride para sa mga Bulemic. Or sa mga gustong malinis ang tiyan bago i-endoscopy. Ibabaliktad nya ang sikmura mo. Biglang tatas ka ng super bilis at pagdating sa taas, bigla kayong ibabagsak ng kasing bilis din! Pota to! This is my favorite!!!! Naka 3 ulit ako dito nang hindi nag susuka in fairness....
Andaming saging! ahahaha. Natawa din ako dito. Iba naimagine ko. ahahaha. Pervert!
Sunod na ang mga picture picture moments!!! :D
Speed Monster roller coaster at my background! :D Super like!
WELCOME BACK!
At dahil basa yung damit ko, change costume muna bago umuwi. I really super enjoyed this rest day well-spent after working for 7 days a week. :D Had so much fun! I'm definitely going back! :D
I hope you guys enjoyed your trip with me at TusenFryd! :D Dagen er din!








so kamusta na mga sperm cells mo ngayon kuyaronron? wahahhaha!!
gusto ko sumakay dun sa SPIN SPIDER!!!!