The Logic of Pag Ihi at Paghuhugas ng Kamay

Posted: Sunday, May 15, 2011 by RoNRoNTuRoN in
2

Daig ng maagap ang masipag.

Pero kanina, iba ang napatunayan ko. Daig ng boredom at antok ang taong maagap.

Pagdating ko sa subway station kanina, mejo matagal pa akong nagin tay sa pagdating ng unang byaheng tren. Papasok ako ng work at dahil maaga ang start ng shift ko, maaga din akong umaalis ng bahay. at dahil dyan, kelangan kong i endure yung lamig. kanina it was just about 3 to 6 degrees kaya di ko napigilang magyosi habang inaantay ang tren.

Pagdating ko sa work, sinet ko sa mind ko na kelangang gawin ang lahat ng maagap. Iniorganize ko ang mga gagawin ko at saka isa isang inasikaso ang mga pasyente. Yung gagawin ko dapat ng three and a hald hours ay tinapos ko ng less than two hours. Ayos! ako na ang nagmamadali. Saka ko na realize, ano nga ba ang dahilan at nagmamadali ako? wala naman akong lakad. Wala naman akong pending na kelangang tapusin ang pagtuunan ng extrang oras. Noon ko na realize na meron akong 3 oras na extra time para tumunganga.

Doon ako nagsimulang mabagot. Doon ako nagsimulang malungkot. At mas nalungkot pa ulet.

Nag stay ako sa kitchen kasama ng ilang pasyenteng kelangan kong bantayan. Binuksan ko ang TV para manood at yes! Eurovision ang palabas. Finals. Eto yung singing contest sa buong Europe na di ko napanood dahil sobrang late na. So nasabik ako. Nagsimula akong manood at ilang minuto pa lang ang nakakaraan, nakita ko na lang ang sarili kong nakatingin sa TV pero malayo ang padpad ng ulirat. Kahit gaano ko kainteresado sa palabas sa TV, di ko pa din makuhang magfocus. Yung recent breakup pa din ang nasa isip ko. Andaming tanong na gumugulo sa isip ko pero kahit isa wala akong masagot.

Para libangin ko pa ang sarili ko, pumunta ako sa office namin at kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko tapos bumalik ulet ako sa kitchen. May naka install kaseng Tong-its dito at aliw na aliw akong laruin ito.So sinimulan ko nga ito at after ilang minuto ng pagkatalo, unti unti humapdi ang mata ko, at namuo yung luha sa gilid ng mata ko. Naalala ko lang bigla na ito yung larong pampalipas ko ng oras habag inaantay ko siya sa bahay namin noon pag galing cya sa duty. Bumalik na naman ang lahat. Bakit ganon, pag malungkot ka, parang lahat ng bagay sa paligid mo, parang konektado sa pinagdaraanan mo. Kahit yung naka shuffle na playlist ko na mga mp3, para bang nagkkwento at kinakausap ako, lahat patungkol sa malungkot kong mundo ngayon.

Nagulat na lang ako nag may biglang tumapik sa akin.

Si J. Isang kolega sa trabaho. Nakatulog pala ako nang d ko namamalayan at yung cellphone na nilalaro ko ay nasa lapag na. Ginising nya ko at natawa. Tapos inalok ng Indian Tea, pero tumanggi ako kasi di ko alam baka may lason yun. Tsaka d naman talaga ako mahilig sa tea, parang lasang papel (except sa iced tea). Paanong hindi ako makakatulog habang nasa work eh for the past 6 nights, halos tig 4 to 5 hrs lang ang tulog ko. Its either hindi ako makatulog, or nagigising na lang ako sa gitna ng gabi na basa na yung unan ko (wag ka mag isip ng iba, hindi ako urinary incontinent). Maaari palang lumuha ang tao habang tulog. Cyempre kaya nga may muta. Pero the last six days, lagi nalang ako nagigising na parang pagod, mahina at puno ng luha ang mata. Kahit sa pagtulog, minumulto pa rin niya ako.

Balik tayo sa context. Ipinagpatuloy ko ang pagsasayang ng oras at panonood ng TV. Minsan pumupunta din ako sa CR kase mejo masama ang digestion ko kaya ayun, medyo banyo king din ako kanina. So nakadagdag din yon sa pag consume ng oras. Bakit ganon, ang unfair minsan ng mundo. Nung nasa Pinas ako, hindi ako nauubusan ng gagawin, late nako nakakauwi mula sa hospital at minsan halos di nako magkandaugaga sa dami ng ginagawa, samantalang kanina, anlakas ng loob kong magsayang ng oras. Hindi ba pwedeng utangin ang oras? Or ibalik yung oras, para dagdagan ng excess ko ngayon. Di ba pwedeng ibalik ko yung panahon na masaya pa kaming magkasama at idagdag ko yung mga excess kong oras dito kagaya nung kanina?

Ang bagal ng oras. Ang tagal ng pag ikot ng orasan. Ang kupad ng panahon kapag wala ka nang drive sa lahat ng ginagawa mo.

After kumain ng mga pasyente, nag syesta na sila. Yung iba natulog. Yung iba halatang bored na bored na din gaya ko. Sinimulan ko nang mag log in sa PC at magsulat ng end-of-shift report. After kong na print yon, sinamahan ko yung isang patient sa balkonahe. Gusto nyang magpalamig, at magyosi. Habang nakaupo kami, walang tigil yung ulan. ang itim itim ng mga ulap. parang ang lungkot lungkot. Panay kwento at salita nung pasyente, pero walang nag reregister sa isip ko. Nakatingin lang ako sa ulap at iniisip kung kelan pa kaya titigil yung ulan. At kung balak pang magpakita ng araw. At kung balak pa nyang magbago at balikan ako.

Nung pauwi na ako at nagaantay ako sa buss terminal, may dumating na babae at pumila din. Naka whole black cya at pay hila hilang black din na luggae. Napatingin ako sa mukha nya. Hawig nya si lady gaga and I am not joking. Lady gaga on her 70's. Same make up and same attire. Nauna cyang sumakay ng buss at umupo sa pinaka unahan. Walang connect tong part na to. Shinare ko lang. hehe.

MOst of the time na nasa buss ako, gaya pa din ng dati, nag eemote at lungkut lungkutan pa din ako with my mp3s. Pagbaba ng buss, yosi agad. Nagiging dependent na ata ako dito lalo na sa mga panahong ito.

Pagdating ko ng bahay, nagpalit agad ako ng damit at nagpunta ng CR. Una kong ginawa ang mag hugas ng kamay at pagkatapos ay umihi. Shet. Baliktad ang ginawa ko diba? Noon ko lang na realize. At doon ko lang na realize ang lesson sa CR between paghuhugas ng kamay at pag ihi at ang sequence nila... Bakit ganon, nagregret ako sa ginawa ko pero di ko na ginawa pang mag hugas ng kamay pagkatapos umihi. Itinama ko ba dapat yung mali?

Kumain ako ng champorado. Tapos tinignan ko yung cellphone ko. Same as before, wala pa din siyang text. Walang pagpaparamdam. Inakala kong pag bukas ng Faebook ko, may message cya considering na di ko napigilang i message cya kahapon sa fb nya at itext sa number nya.

I just disappointed myself ulet.

After napabuntong hininga na lang ako. at nagsimula na akong magsulat ng blog na ito. Pagpasensyahan mo na kung medyo nonsense ha. Give me that consolation.

2 comments:

  1. zeke says:

    *pat on the shoulder*
    kaya mo yan. I read back and saw your kwento about the ex.. hay ang sad nga nun.

    welcome pala sa blogosphere. :) pare pareho taung newbies :)

  1. salamat green!!! welcome sa atin! :D