Stranded on the Same Ground
Posted: Saturday, May 14, 2011 by RoNRoNTuRoN inNapaka unfair mo sakin.
Hindi ko inakala na ang desisyon kong mangibang bayan ang magiging reason ng lahat ng ito. I guess everything comes with a price and losing you is the one i have to pay sa pangarap kong makahanap ng magandang buhay for my family at mga pangarap naten for our future.
Dati hindi ako naniniwala sa Long Distance Relationship. Malaking kahibangan lang ang lahat. Lahat kasinungalingan. Pero binago mo ang persepsyon ko bagay na ito. Nang makita kitang malungkot, umiiyak at nagmamakaawa sakin 5 months ago para ituloy ang relationship naten, binago mo ako. Ipinarinig mo sa akin ang gusto ko lang marinig: pangako mo na ipaglalaban natin ang relasyon natin kahit kalahati ng circumference ng mundo ang pagitan natin.
Gusto ko na sanang itigil ang relasyon noon, bigyan ka ng kalayaan dahil wala naman ako sa tabi mo at maraming pwedeng maganap at magbago pag magkalayo na tayo. Pero isang pangako mo ang napagdesisyunan kong panghawakan noon.
Pinanghawakan ko ang salita mo the whole time na nasa banyagang bansa ako. Sayo pa rin umikot ang mundo ko. Hindi dumaan ang panahon na nakalimutan kita, o tumingin ako sa iba dahil wala ka dito. Hindi nangyari ang kahit anong bagay na baka inaakala mong gagawin ko dito.
Pero gumuho ang lahat nang malaman kong isang araw, ginawa mo din ang kinakatakot ko. Nakahanap ka ng bagong kaligayahan dyan sa Pinas. Ganoon pala kasakit yon. Ganoon pala guguho ang mundo mo kapag nalaman mong ikaw na lang ang nakakakapit sa lubid nyong dalawa. Pero siguro, wala nang mas sasakit pa sa ginawa mo. Or siguro, ang hindi mo ginawa.. Ang ipaglaban ang relasyon nating iningatan natin for almost 3 years. Nung sinabi kong hindi ko kaya ang ginagawa mo at relasyon natin ang at stake sa ginawa mo, nanahimik ka lang. Walang pagpalag na naganap. Hindi ikaw ang "asawa" kong nakilala dati. Ikaw kasi yung ipaglalaban ako, susuyuin ako, willing magbago para lang hindi tayo mag hiwalay. Pero this time, iba ang kausap ko: isang taong malamig, apathetic. Para bang inintay mo lang na makipaghiwalay ako, and then all is good na. Walang remorse, walang guilt. Ang sabi mo lang, wala kang ginagawang masama. At hindi ka na nagparamdam after noon. Nag iba ka na nga. malaki ang ipinag iba. Parang di na kita kilala. Pakiramdam ko, hinayaan mo lang akong malunod.
Anu kayang meron ang mga bago mong sinasamahang kaibigan para mas bigyan mo ng halaga sila kesa sa pangako mo sa akin bago ako umalis ng Pinas? Ano ba naman yung almost 3 years nating relasyon at live in kumpara sa 2 weeks mong bagong mga casual friends. They must be good, i must say.
Well cguro it's none of my business na ngayon. But it should have been, back then.
Iba na ang mundo ko ngayon. Tahimik. Malamig. Sa isa sa pinakamalalamig na bansa sa mundo, walang epekto ang pisikal na ginaw. Mas nakamamatay ang katahimikan sa puso. Nakakabaliw ang lungkot. Laging bumabalik ang pagiisa, pangungulila at pagkabagot. Lalo na kung wala kang ni isang kaibigan sa bansang iba ang lenggwahe. Katulad ko. At uulitin ko, dahil dito, ang unfair mo.
Kahit papaano, may natutunan naman ako. "Mahalin mo ang sarili mo para ok ka lang kahit walang magmahal sa’yo."

Ayan. Good thing you learned some thing from it kuya.
Welcome to the Blogosphere :)