Nagmamadali ako noon. Isang imbitasyon sa debut mo ang nagpasaya sa akin kahapon. Hindi ako mapakali sa mga klase ko dahil umiikot sa isip ko ang magaganap na muli nating pagkikita sa gabing iyon. Hindi ko ikakaila na iba pa rin ang epekto mo sakin. Isang text, isang pagpaparamdam mo lang, halos mag panic attack ako sa sobrang saya. Kahapon, isang text ang na receive ko.
"Punta ka sa debut ko bukas. Espesyal ka kaya dapat andun ka ha? Please. I will be expecting you..."
Pag dating ko ng boarding house from class, naligo ako agad. Isinuot ang mapormang polo at nagpapogi ng husto. Hindi ko mahinuha na ang babaeng niligawan ko ng 3 taon, at naging gf ko ng 1 buwan lamang ay muli kong makakasama sa pinaka espesyal na araw nya. Mula nung naghiwalay kami noon, alam ko at alam kong alam nya na siya pa din ang mahal ko. With that in mind, natuwa akong isipin ang mensahe mo. "Espesyal ka kaya dapat andun ka ha?". Umalis ako ng boarding house na may ngiti sa mata, sumakay ng FX patungo sa bahay nyo. Kinikilig.
"Asan ka na? matagal ka pa ba?" Isang text mula sa iyo.
"Malapit na ako. Nasa FX na. Excited na akong makita ka".
"Ako din. May sasabihin ako sa iyo".
Dumating ako sa sa Pasig, ang meeting place ng ilang mga kaibigan natin. Balak kasi namin ay sabay sabay na pumunta sa bahay nyo dahil may ilang di nakakaalam ng lugar nyo. When I arrived, ako na lang ang inaantay. Traffic, sorry naman. Galing pa akong Recto. Sumakay na kami ng tricycle papunta sa inyo. Dahil lalake ako, ako na ang nag backride. Hindi mapakali at malakas ng kabog sa dibdib.
Is this it? Sasagutin nya ba ulit ako on her 18th birthday??? Is this our 2nd chance? Masyado kasing maikli yung 1 month relationship naten eh. Hindi ko nga alam bakit tayo nag break noon. Hindi ko man lang naipakitang mahal kita ng husto. Sana ito na to. Sana ang gabing ito na ang bagong simula naten. By the end of this night, sasagutin na nya ko! magiging kami na ulet ng ex GF ko!
And then dumating na nga kami on your place. Sa garden pa lang, sinalubong mo na kami. After mong bineso beso yung mga ibang friends natin, nilapitan mo ako at hinawakan ang kamay.
"Thank you, dumating ka. Halika kain ka muna."
As I approched the tables, i felt weird. I can hear whispers behind my back, mga titig ng mga chismosa. Hindi ko alam kung anung meron sa akin or sa pagdating namin ng mga kaibigan ko, pero nagiba ang atmosphere sa pagdating namin.
Habang kumakain ako, isa isa mong nilalapitan ang mga kaibigan natin, siguro para makipag kwentuhan. I can see the reactions on their faces. Tawa, gulat, at kung anu anu pa. Anu kaya ang sinasabi mo sa kanila?
Inaamin nya na siguro sa mga kaibigan namin na mahal mo pa din ako at sasagutin mo na ako tonight. Antagal mo naman akong lapitan. Nakakainip.
Tapos ko na ang pagkain ko. Kabado, excited, nakikinig na lang ako dun sa babaeng chubby na ayaw paawat sa mic ng videoke.
Late na at nagsisimula nang mag uwian ang mga guests, pati yung mga kasama kong dumating sa bahay nyo. Nagpasya na din akong umuwi kasabay nila.
Nagsimula na akong malungkot.
Teka. Hindi pa tapos yung gabi. Hindi mo pa ako kinakausap.
Nung hinahatid mo na kami sa sakayan, I heard our friend said something to you. "I am happy for you..."
Then tumawa ka lang, parang kinilig. Napangiti din ako.
Tahimik yung iba naming kaibigan. Walang nagsasalita at parang ilang din sila sa akin. Di ko alam kung bakit. Nang dumating kami sa kanto where the tricycles are. you held my hand. Suddenly, I wanted to kiss you kaso I hesitated if it's the right timing.
"Salamat sa pagpunta ha..."
Yun lang yung sinabi mo. Then nagpaalam ka na at bumalik sa mga natitira mo pang bisita. On a distant far, narinig kong tuloy pa din yung concert nung chubby na babae.
Nagfreeze ang lahat. Hindi ko maintindihan. Parang may mali. May kulang. May hindi nangyari sa gabing ito. One of our friends then approached me. Nakita nya sigurong parang napako ang tingin ko sayo habang naglalakad ka palayo.
"Masaya na siya Roni"
Katahimikan.
"Hindi ba niya sinabi sayo?"
Ang alin?
"Masaya na siya ngayon. Sila na nung girl na kumakanta sa videoke. Si Kay. 1 month na sila. Akala ko nga sasabihin nya sayo eh. "
Boom.
Di ko ma process yung sinabi niya. Di ko marinig. Di ko maintindihan. Parang hindi pa madilim ang gabi dahil mas dumilim ang paligid pagkasabi niya sa akin ng bagay na iyon. Natapos na ang gabi. Pauwi na kami. Isang surpresa ang nagpabagsak ng mga pangarap ko para sa gabing iyon. Isang rebelasyon. Hindi mo na ako mahal. At ngayon ay masaya ka na. Mas masaya pa nung naging tayo noon. Sa piling ni Kay. Isang babae.
Ilang bwan din akong hindi makatulog, hindi mapalagay, hindi mapayapa. Hindi ko inaasahang ito ang surpresang matatanggap ko noong gabing iyon. Aaminin ko, nasaktan ako ng sobra.
"Masaya na siya Roni"
Nagpapaulit ulit ito sa isip ko. Masaya na siya. Buti pa siya. Nakahanap ng saya.
Walong buwan bago ko nagsimulang mamuhay muli mula sa pag tigil ng mundo ko. Sinubukan ko ang bi-manila. Mayroon pa noong mga private user rooms sa Yahoo Chat. Sinubukan ko din. Masaya na siya. Kung nakahanap siya ng happiness sa ganoong klase ng relasyon, baka sakaling ako din. Baka maging masaya din ako sa relasyong m2m. Nagsimula kong hanapin ang sarili ko sa chatroom. May mga nakikilala, may mga nakakausap may mga bagong kaibigan. Isang bagong mundo.
Kung nakahanap siya ng happiness sa ganoong klase ng relasyon, baka sakaling ako din.
Mahirap hanapin ang sarili sa mundong bago. Mas magulo sa ganito. Mas kumplikado. Pero kung dito lang ako makakahanap ng pagmamahal na matagal ko nang ninanais, bakit hindi.
Sadyang unfair ang mundo. Mas maraming kabiguan ang hinarap ko sa bago kong daigdig. Sa pag aakalang dito ko makikita ang taong mamahalin ako at mamahalin ko din, nagkamali ako. Iniiwan din nila ako. Niloloko. Ipinagpapalit. Ibinabasura. Anim na taon na ang nakalipas, pero hindi ko pa rin nahahanap ang sarili ko. Hindi ko pa rin nakikita ang kaligayang gusto ko.
Sa pagpapatuloy ng mundo ko, patuloy akong nasasaktan, nadadapa at bumabangon. Ganoon talaga ang buhay. You have to lose some to gain some.
Sana, kung sino ka mang nakatadhana sa akin, magpakita ka na. Nandito lang ako, malayo man pero naghihintay.
what the?
after namen magbreak nung first gf ko sa tibo din siya nakipagreplasyon! trend ba itech? wahaha.
pero ayon sa nababasa ko sa blog niya, ako parin ang huling naka-uhum sa kanya wahaha :D