Syttende Mai

Posted: Tuesday, May 17, 2011 by RoNRoNTuRoN in
0

Syttende Mai. 17th of May. Ikalabimpito ng Mayo.

Ito ang National Day ng dito sa bansang pinagtatrabahuhan ko. Parang pinaka Independence Day nila. Engrande ang lahat! Masaya ang bawat lalaki, babae, bata, matanda, bading, tomboy tsaka yung mga abnoy. As for me, well, just a regular day of work. Heto ang ilan sa mga highlights ng araw ko:


DIRTY SUBWAY

Dahil Holiday ngayon, syempre iba ang schedule ng mga tren at bus. Bwiset! Once every hour lang muna sila dadaan this day (kakapal! char!), I have to wait for an hour sa maduming subway station ng Grorud. Tignan mo naman, pakadumi. Para sa isa sa pinakamayamang bansa sa mundo, ang ganitong pangitain ay di katanggap tanggap. (weh, makapanghusga naman ako eh no?) Nag stay ako ng matagal sa station na to para antayin yung 7:54 train. As usual, dahil 6 degrees lang kaninang umaga, ako nanaman si Boy Ginaw. Nangatog at tumigas na naman ang aking mga daliri sa paa. hehe. Sa station na to, walang cute! Puro egoy. haha. Rasista?

MAGPALDA TAYO DALI! 

Kamustahin natin si ate na nakasabay kong mag abang ng Bus sa Majorstuen. Kakaiba cya. Kamusta naman yung pagpapalda nya sa gitna ng mahanging umaga na 6 degrees? Binigay nya yung best nya para pilit na labanan yung lamig. Kung ako nga ay naka apat na patong ng damit kanina (undershirt, polo, cardigan at jacket) cya ay mukang ayaw ginawin. Magsorry tayo sa kanya. Wala lang naaliw lang ako sa kanya, kaya napag tripan kong picturan. Effort yung pag kuha ko ng pic nyan ah, patago.


BUNAD
Eto yung tawag sa national costume ng bansang ito. Bunad, comes from the root word Bunot at Lungad. Joke! ewan ko kung bakit yon yung tawag dun. Dahil national day nila  at super nationalistic sila, lahat ng tao ay naka bunad! As in lahat. Kahit bibili ka lang ng pandesal sa tindahan (btw, walang pandesal dito), or magtatabas ng ligaw na damo sa bakuran, hindi pwedeng wala kang dalang flaglet at dapat naka national costume ka. Ayaw nila magcostume, pramis. Walang panahon. Dahil wala akong pambili ng costume at d din naman ako bibili ng P80,000 worth of telang parang pang konsorte sa sagala, ako ay naka casual wear lang. "Ang walang costume ay OP", parang yan yung theme ng celebration this year. Sa madaling salita, na OP ako. But on a second thought, naka checkered akong polo na white, blue at red. Colors ng flag nila. In short ako na ang naglalakad na flag kanina. Idagdag pa natin yung ribbon na ikinabit ko sa chest na dinekwat ko sa isang demented na pasyente. haha. Hwala! I suddenly felt I belong. Yung sapatos ko din pala ay white na may stripes ng white at blue.


ENDLESS RAILROADS AT SI MICKEY MOUSE

Kanina pagsakay ko sa train (di naman halatang nag cocommute ako at anlayo ng workplace ko), may nakita akong cute! Wag mo namang isipin na maharot ako at malandi, crush nga lang eh. Na cucutan. Magkaharap kami nakaupo sa train. Cguro nasa early 30's na cya. Hindi cya matangkad. Asian race na parang Mediterranean decent. May hawak cyang payong na may tungkod. Muka cyang daga. Seriously, ang cute ng mata, parang daga, wawa. haha. Dati, sa mukang tanga lang ako mahilig. kanina, naisip ko, gusto ko na rin ang mga mukang daga. Therefore, pinangalanan ko cyang Mickey Mouse. Wala namang masyadong ganap sa kanya except na nakipag kilala cya dun sa  katabi nya na halata namang walang interes sa kanya. Di ako nakinig sa usapan nila dahil naka mp3 ako at todo ang volume and i must say na pa cute siya dun sa katabi nya. Pampam. haha.


PLATFORM 23

Ewan ko kung nananadya talaga ang tadhana or nananadya. Sa araw araw na nagtatrabaho ako, dito ako sa Platform 23 sa may Central Buss Station nagaantay ng sasakyan pauwi. E2 rin ang date ng anniv namin ng ex ko. Awww. Kanina, nung umalis ako ng bahay, umuulan ng malakas, pero tumila din pagdating ko sa subway station. Then umaraw maghapon. Akala ko tuloy tuloy na, pero the moment dumating ako sa platform 23, nagdilim yung langit bigla (literal), at nagsimulang umambon na naman. Then umulan. Kung anu yung weather condition nung umalis ako ng bahay, ganun din cya pag uwi ko. Sana ganun din sa life no? Yung mga bagay na mahalaga sa atin, pag iniwan natin,  pagbalik natin sa kanila ay ganun pa din sila at walang nagbago. Oh, ayan na naman si Ron Emokid!
Pasencya na kung nasayang ko ang oras mo sa pagbabasa ng entry na to. Kung anu ano kasi ang umiikot sa isip ko pag nagbbyahe ko papunta at pauwi galing work. Ang hirap talaga pag sawi sa pagibig! Shet! Fy Fæn!


Credits sa aking cellphone na nagfufunction bilang camera at mp3 player na lang.

0 comments: